Flag Design - http://www.bopmyspace.com/download_wallpaper_0/philippines_wallpaper |
Unang post!
Ano nga ba at para saan ang blog na ito? Dahil sa pumasa bilang Psychometrician, RPm na ako - Registered Psychometrician, kaya ito naglalayong pangatawanan na ang aking propesyon na ngayon lang 2014 nagkaroon ng Professional Licensure exam at kaming mga nagtapos ng BS/AB Psychology (at iba pang variants) ay mayroon ng titulo bilang Psychometrician at Psychologist.
Kung kaya, nag-enroll sa Polythecnic University of the Philippines Graduate School at nagspecialize sa Clinical Psychology. Nine units ako ngayon - Research, Advance Abnormal Psychology at Advance Statistics. Interesting dahil nasa pamantasan muli!
Ang blog na ito ay magsisilbi din na repository, archive ng aking mga sulatin sa pamantasan at iba pang nais na isulat. Itong blog na ito rin ang magsisilbing lugar para paglagakan ng mga links, resources, babasahin ng aking assignments at mga artikulo na interesado ako.
Bagama't nag-aaral pa lang ako at nagnanais na maging Licensed Psychologist sa hinaharap aking gamit na ang salitang Psychologist dahil doon naman ako papunta at marami na rin naman akong taong ginugol sa pag-aaral nito - kaya Pinoy Psychologist ang pamagat ng blog.
Lenguwaheng gamit - Filipino, English, Ilocano at Taglish.
No comments:
Post a Comment